Forum Search

Ano ang masasabi nyo sa mga taong ASA NG ASA sa OFW?

This topic is locked.
posted March 19, 2010 12:49AM
AntiPinoycom
AntiPinoycom
stars
Sulitizen
73 posts
  • Registered: Mar 15, 2010
  • Last Access From: Philippines

Ang katagang “BSN” ay hindi po Bachelors of Science in Nursing ang ibig sabihi nito kundi “Binuhi Sa Nurse” (sa Bisaya or more accurately, Cebuano) o sa Tagalog, Binubuhay ng Nurse. Eto ang kuwento ng mga BSN at mga iba pang tao na asa ng asa sa OFW at mga OFW na inaasahan nila...

I. BSN 

Mga Asawang BSN

Natawa ang marami sa katagang BSN dahil marami nga namang mao-obserbahan na lalaking Pilipino na kapag nakapag aswawa na ng Nurse ay hindi na magtatrabaho at magiging “houseband” na lang. Para bang nawala na ang kanilang pagkalalaki at lumalambot ang kanilang mga kamay, paa, puso at iba pang parte ng katawan at gusto na lang nila sa bahay para maging “buhay pensyonado”. Pero kahit lumambot na sila ay tingin sa kanila ng marami ay “tigas” pa rin. Ito ay dahil sila ang tigasaing, tigasampay at tigasangag ng kanin pang almusal ng kanilang asawang R.N. Nagtatrabaho ang kanilang asawa habang sila ay namumuhay sa ilalim ng mga palda bilang mga BSN. Hindi ko mawari kung paano nila natitiis na hindi magtrabaho gayung ang pagtatrabaho ay isang karangalan para sa isang nilalang (lalo na sa lalaki). Ito rin ay nakakapagbigay ng tinatawag na “validation of one’s existence” na kapag hindi ka nagtatrabaho ay pakiramdam mo hindi ka tao. Kapag ang isang lalaki ay nagtatrabaho, buhay siya at may kontribusyon sa mundo na hindi limitado sa pagiging tsimoy gaya ng mga BSN.

Mga Kamag-Anak na BSN

Meron ding mas malala pa kaysa sa asawang BSN at ito ay ang mga kamag anak na BSN. Minsan ay may kababata akong nurse at ibinalita nya sa akin na meron daw siyang boyfriend. Tapos ang boyfriend daw niya na yun ay hindi nakatapos ng pag aaral dahil tamad at walang motivation. Noong malaman daw ng mga kamag anak ng boyfriend niya sa Pilipinas na ang girfriend niya ay nurse, tuwang tuwa daw at sabi’y naka “jackpot” na daw sila. Umiling iling na lang ako dahil alam ko ang patutunguhan nun kung matuloy man. May mga kakilala ako na ang kanilang buong pamilya ay umaasa na lang sa kawawang nurse na nagtatrabaho sa USA, Canada, UK o mga iba pang bansa na nangangailangan sa kanila. Halos maubos na ang sweldo ng nurse sa kapapadala sa mga pangangailangan (a.k.a. luho) ng mga nasa Pilipinas. Kapag meron nang nurse sa pamilya, para bang may sumpa na nagkakatotoo! Magmula sa mga magulang hanggang pinsan ay nagkakaroon ng “kapansanan” na tinatawag na “katam”. Bigla na lang nawawala ang kanilang ganang mag trabaho dahil alam nila na merong isang magiting na pumipitas lang ng pera mula sa mga puno ng Amerika. Kapag may isang RN marami agad ang nagiging BSN.

Ang phenomenon na BSN ay hindi lang limitado sa mga nurse. Marami kang maririnig na istorya ng mga pamilyang nag migrate sa isang first world country gaya ng Estados Unidos at may mga naiwan sa Pilipinas na biglang mawawalan ng gana magtrabaho o mag aral dahil sasahod na lang nila ang kanilang mga kamay at may darating na lang sa kanilang “biyaya”.

II. Si Kuya Kariton

Hindi po si Efren Penaflorida ang aking tinutukoy. Si Kuya Kariton ay isang matandang nagbabalik ng mga shopping cart na iniiwan sa parking lot ng mga namimili sa isang Filipino supermarket sa Estados Unidos. Si Kuya Kariton ay matanda na at wari ko ay malapit na siya mag 70 anyos. Mula umaga hanggang hapon (at minsan gabi) ay nilalakad niya ang kahabaan ng parking lot na iyon at lahat ng makita niyang shopping cart ay kukunin niya para maibalik sa tamang lalagyan. Nakakapagod iyon at kahit mainit ang sikat ng araw o umuulan ng kaunti, kailangan kunin nila ang mga shopping cart na iyon para may magamit ang mga bagong dating na mamimili. Minsan ay nakikita ko siya na nagba-bus papunta sa trabaho o pauwi.

Minsay sa isang salo-salo na pang Pilipino ay nakita ko siya at nakahahalubilo. Sa aming pagkukuwentuhan, nasabi niya na may mga anak siyang babae sa Pilipinas na may asawa at ibinili niya ito ng mga sasakyan. Dumadaing siya na siya daw ang nagbabayad ng insurance at maintenance ng mga sasakyang ito. Tinanong ko siya kung bakit hindi ang mga asawang lalaki ang magbayad ng isurance at pag maintain ng mga sasakyan at ang sagot niya ay wala silang magagandang trabaho at hindi nila kayang mag maintain ng sasakyan. Sa isip isip ko, kung makita lang ng mga anak niya kung paano kinikita ng tatay nila ang pambayad sa mga luho nila, baka mag jeep na lang sila.

Kung yung tatay nga nilang nasa Amerika ay nagbu-bus lang sa tanda niyang yun, sana naman ay magkaroon sila ng kahihiyan na sila na magbayad ng insurance ng sasakyan nila at sila na ang tumaguyod sa pag maintain ng mga ito. Kung hindi nila kaya na tumaguyod ng sasakyan, mag jeep na lang sila at wag na manghingi sa tatay nila. Para naman may naitatabi ang matanda pambili ng sarili niyang sasakyan at hindi na mag bus. Sa tingin ko ang mga lalakeng asawa ng mga babaeng anak ni Kuya Kariton ay walang kasing kakapal ang mga mukha at mga lintang matatakaw sa dugo. Mahihilig pumorma sa mga sasakyan na hindi naman nila pinaghirapan.

III. Si Ka Randy

Si Ka Randy ay isang graphics artist na may anak na babae sa Pilipinas. Nang tanungin ni Ka Randy si Bheng (kanyang anak) kung ano ang gusto niyang regalo sa kanyang kaarawan, sinabi sa kanya na Cel Phone daw dahil wala pa siya nito. Dumating ngayon ang kanyang kaarawan kaya bumili si Ka Randy ng cel phone at pinadala sa Pilipinas. Lumipas ang isang linggo nang makuha na ng anak ang cel phone pero nagtataka si Ka Randy kung bakit wala man lang siyang naririnig o natatanggap na pasasalamat mula sa Pilipinas. Tinawagan niya ngayon ang kanyang anak at tinanong kung nagustuhan ba niya ang regalo. Ang sagot sa kanya ni Bheng ay hindi naman daw yun ang “latest” na modelo. Hindi naman kalumaan ang pinadalang cel phone ni Ka Randy at hindi nga naman ito ang pinakabago pero maganda pa rin at magagamit pa rin naman. Sumama ang loob ni Ka Randy at napansin siyang hindi nagsasalita buong araw at may lungkot sa kanyang mga mata.

IV. Si Engineer Arman

Si Engr Arman ay nagtatrabaho sa Saudi at bigla na lang nagugulat ang mga katrabaho niya dahil palagi siyang napapasigaw ng malakas sa kanyang telepono kapag kausap ang tinatawag niya na “Mama”. MAMA, ANO NA NANGYARI SA PINADALA KO? KAKAPADALA KO LANG NG TATLONG DAAN UBOS NA MAMA??? Hindi malaman ng mga katrabaho niya kung nanay niya ba o asawa ang kausap dahil ayaw nila itanong. Baka daw sila pa ang pagbalingan ng galit ni Arman. “AT ANO ANG SINASABI SA AKIN NA PINANG MAMAJONG MO LANG ANG PERA HA MAMA?” ang maririnig pa na sasabihin. Halos isang oras yun isa o dalawang beses sa isang linggo na bigla na lang may sigawan mula sa cubicle ni Arman. Masipag at magaling si Engineer kaso sayang lang ang galing niya dahil ang kanyang kapalaran at kayamanan ay itinataya lang sa mahjong.

V. Si Aling Nita

Si Aling Nita ay isang aleng tumatanggap ng labada sa aming lugar. Ang asawa niyang si Mang Arsenyo ay namamasada ng pedicab pero hirap pa rin silang pagkasyahin ang kanilang maliliit na kinikita para sa kanilang sarili at isang anak. Nag desisyon ngayon si Aling Nita na mag apply bilang domestic helper sa Hong Kong at matapos ang ilang buwan, nakapasok na siya ng trabaho doon. Panay ang padala ni Aling Nita ng pera sa kanyang asawa at naging kapansin pansin na si Mang Arsenyo ay tumigil sa pagpe-pedicab at umi-istambay na lang sa may kanto habang nagsusugal at nakikipag inuman. Kung minsan pa ay may babaeng kasama si Mang Arsenyo na ginagastusan niya gamit ang perang pinapadala ni Aling Nita.

Ang mga kuwentong ito ay ilan lang sa daan-libo pang kuwento ng mga tinatawag nating “Bagong Bayani”. Bayani nga sila dahil nasasakripisyo nila ang kanilang sariling ligaya at katiwasayan para sa kanilang mga mahal sa buhay at sa bayan. Ngunit di tulad ng mga bayani natin na sila Lapu Lapu at Bonifacio na ang kalaban ay mga manlulupig na dayuhan, ang kalabang lumulupig sa mga Bagong Bayani na ito ay ang mga walang kuwentang mamamayan ng kanilang sariling bayan. Nakakalungkot ito isipin pero totoo.

Pamilyar ba sa inyo ang mga kuwentong ito? Mayroon ba kayong mga nais na ipamahagi?

Pumunta sa http://antipinoy.com/bsn-binuhi-sa-nurse-binubuhay-ng-nurse-at-mga-iba-pang-kuwentong-ofw para sa mga karagdagang kuwento...
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 01:39PM
elabiz06
elabiz06
stars
Majestic Sulitizen
12446 posts
  • Registered: Aug 8, 2007
  • Last Access From: Qatar
Sabihin na mag-trabaho 'rin sila para huwag ng umasa sa iyo. If not, get a loan to the max and invest. Kung hihingi sila sabihin mo may binabayaran ka sa bangko at dito napupunta ang suweldo mo na pang-kain na lang ng family mo ang natitira kada-suweldo.
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 01:48PM
leigh0818802000
leigh0818802000
stars
Veteran Sulitizen
296 posts
  • Registered: Sep 22, 2009
akala kasi ng mga taong asa ng asa sa ofw, namumulot lang ng cla ng pera sa abroad. hingi ng hngi, kaya tuloy kawawa yung asawa at anak nung ofw, sila tinitipid para lang makapagbigay sa magulang at kapatid ng ofw...

walang masamang tumulong, pero dapat unahin yung sariling pamilya bago iba. ok lang ding once in a while, nakakahingi yung mga kapatid at pamangkin ng tulong, pero wag naman madalas...

ang iba pa mga, pag di nakakaipon, yung asawa ang sinisisi kasi daw magastos daw...
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 01:50PM
T1Ajai
T1Ajai
stars
Majestic2 Sulitizen
14735 posts
  • Registered: Apr 12, 2009
  • Last Access From: Philippines
elabiz06 posted on March 19, 2010 01:39PM
Sabihin na mag-trabaho 'rin sila para huwag ng umasa sa iyo. If not, get a loan to the max and invest. Kung hihingi sila sabihin mo may binabayaran ka sa bangko at dito napupunta ang suweldo mo na pang-kain na lang ng family mo ang natitira kada-suweldo.

i agree with it....dapat silang matuto  
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 03:39PM
AntiPinoycom
AntiPinoycom
stars
Sulitizen
73 posts
  • Registered: Mar 15, 2010
  • Last Access From: United States
May mga iba pa nangongonsensya na magugutom daw sila o hindi makakapag aral kapag hindi nabigyan. Nakakaasar.
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 03:43PM
janmie
janmie
stars
Veteran Sulitizen
336 posts
  • Registered: Oct 6, 2009
  • Last Access From: Philippines

matitigas lang talaga ang mukha ng mga yan na tamad magtrabaho, gusto umaasa lang sila
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 06:02PM
leigh0818802000
leigh0818802000
stars
Veteran Sulitizen
296 posts
  • Registered: Sep 22, 2009
janmie posted on March 19, 2010 03:43PM

matitigas lang talaga ang mukha ng mga yan na tamad magtrabaho, gusto umaasa lang sila

ay tama! kakaasar mga ganyan... pag di pa binigyan, sila pa galit.
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 06:03PM
angelimarielim
angelimarielim
stars
Supreme Sulitizen
896 posts
  • Registered: Jun 4, 2009
  • Last Access From: Philippines
sakim. mukhang pera. gold digger
Locked | Report Report
posted March 19, 2010 06:05PM
RegalMay
RegalMay
stars
Ultimate Sulitizen
2566 posts
  • Registered: Jul 13, 2009
  • Last Access From: Philippines
Dapat maranasan nilang mag OFW para alam nla ang totong hirap d lang sarap.
Locked | Report Report
posted March 21, 2010 08:53AM
AntiPinoycom
AntiPinoycom
stars
Sulitizen
73 posts
  • Registered: Mar 15, 2010
  • Last Access From: United States
Ang problema nagiging tamad na lang sila at gusto asa ng asa sa OFW kahit sobrang hirap na ng buhay abroad.
Locked | Report Report
posted March 21, 2010 10:00PM
elmer29
elmer29
stars
Majestic3 Sulitizen
26900 posts
  • Registered: Oct 31, 2007
  • Last Access From: Philippines
#8 Poster (All Time)
nasa ofw parin ang desisyon
pwede namang mamigay sa kanila pero may limit
70% dapat na kita ng ofw for saving
20% para sa expenses niya
10% ang ipadala

dapat matoto ang mga umaasa na mag budget
Locked | Report Report
posted March 21, 2010 10:03PM
lacggreenessentials
lacggreenessentials
stars
Supreme Sulitizen
1135 posts
  • Registered: Aug 20, 2009
  • Last Access From: Philippines
dapat po kumayod din sila kasi kawawa naman yung mga ofw.
Locked | Report Report
posted March 21, 2010 10:15PM
aimlalaine
aimlalaine
stars
Ultimate Sulitizen
1615 posts
  • Registered: Jun 30, 2009
  • Last Access From: Philippines
better share them new ideas... or dream cacth .. or gisingin sa katotohanan... what if mamatay ang kanilang asawa or kamaganak na inaasahan nila.. then tapos sila...
Locked | Report Report
posted March 22, 2010 02:00PM
AntiPinoycom
AntiPinoycom
stars
Sulitizen
73 posts
  • Registered: Mar 15, 2010
  • Last Access From: United States
Tama po kayo diyaan. Kawawa naman ang mga OFW kayod ng kayod sabay mapupunta lang sa luho ng mga nasa Pilipinas.
Locked | Report Report
posted March 23, 2010 01:42PM
cging2
cging2
stars
Elite Sulitizen
415 posts
  • Registered: Dec 10, 2008
Ang problema kasi sa atin ang akala nila ang lahat nga mga taga-ibang bansa mayaman na. Ang akala nila ay pagnaka-abroad ay parang tumama na sa Lotto. Ang problema kasi madami sa mga nangarap maging OFW ang goal lang nila para mag-abroad ay para makatulong sa pamilya. Ang ibig sabihin ng tulong sa pamilya ay sustentuhan lang ang pamilya. Pero walang plano kung ano ba ang puwede nilang gawin sa opportunidad na nakuha nila. Kung may pamilya sila ang lagi nilang sinasabi ay para sa pamilya nila ito, pero walang plano kung paano buuin ulit ang pamilya nila.

Kung mga kuwento lang ng mga kawawang OFW ang dami diyan, off the top of my head I can think of at least 5 at this very moment. Pero I will talk about 2 na may happy endings.

1. Male Nurse
Si Husband ang Nurse. Nag-nurse siya sa middle-east for 5 years. Habang nasa middle east siya si wife na accountant ay nagtratrabaho din sa Pilipinas. Si wife ay laging naghahanap ng mga investment opportunities para sa mga kita nilang dalawa. Mapa-real estate o anumang business ventures pinapasok ni Misis. Sa kanilang dalawa si Misis kasi ang business minded eh kaya lumago ang kabuhayan nila. Ang usapan talaga nilang mag-asawa 5 years lang si Mister as OFW para lang talaga magkapuhunan sila sa mga business nila. 10 years after nakauwi si Mister ay nurse pa din siya kasi vocation niya na yun, pero sa Pilipinas na. Si Misis naman ay sige pa din sa pagpalago ng mga existing businesses nila. Hindi na siya nag-babuy and sell ng mga real estate kasi hinohold nila na lang para maghintay na tumaas ang prices ng mga properties nila. In-short hindi sila desperate magbenta ng lupa milyonaryo na sila eh.
2. Canadian Domestic Helper
Nag-punta si Miss CDH sa Canada para matulungan ma-iangat ang buhay ng pamilya niya, 5 kapatid at mga magulang. Plano niya bago pa lang makadating ng Canada na dalhin ang buong pamilya niya sa Canada. Kaya pinagsabihan niya ang mga kapatid niya na huwag maluho. Suporta lang talaga ang tulong niya sa mga magulang niya. Ibig sabihin mga magulang niya pa din ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. Kung mangailangan lang talaga saka sila humihingi ng tulong kay Miss CDH. Alam kasi ng buong pamilya ang goal talaga niya ay madala silang lahat sa Canada. Kadamihan din ng mga kapatid niya ay mga working student kaya hindi din naman pabigat sa mga magulang nila.
Nung makadating na ang mag-anak sa Canada ay ibinalik nila ang mga nagastos ni Miss CDH sa kanila para makapunta ng Canada. Si Miss CDH naman ay gimamit ang pera na iyon para mag-aral at makakuha ng accreditation para magbukas ng isang Daycare. Nakabili din sila ng isang
duplex sa pag-aambagambagan. Nasundan pa iyon ng 2 pa. Ang buong pamilya ngayon ay may comfortable lifestyle. Hindi man sila milyonaryo sa Canada ay masasabing komportable ang buhay nila. Siyempre ang magkakapatid any may kanya kanyang pamilya na pero malapit pa din sila sa isa't isa. Ang mga magulang nila ay komportable na din ang retirement, 6months sa Pilipinas 6 months sa Canada.

Sa 2 success story na alam ko. Pareho pong may goal talaga ang mga OFW. At ang mga kapamilya nilang naiwan sa Pilipinas ang sumusuporta ng husto para makamit ito. So kung iisipin po ang talagang may kailangan ng suporta ay ang mga OFW at hindi ang mga naiwan sa Pilipinas. At bago pa lang sila umalis ng Pilipinas ay sigurado na sila sa suportang iyon.

View message logs
Locked | Report Report
posted March 23, 2010 02:33PM
hobbiznes
hobbiznes
stars
Ultimate Sulitizen
2053 posts
  • Registered: Dec 6, 2009
  • Last Access From: Philippines
yan nga... dapat may plano for the future of the whole family.. dapat ang suporta ay para lang sa importanteng bagay at pangangailangan. May policy or agreement helping each other to succeed at ang parents ang taga manage at decision maker re financial matters and major projects.

That's it.. we did it and my 3 children go abroad and helps especially the 2 with us mag college next year at ang isa applying for overseas.. They remit us or not.. still we can survive since we have our existing investments or continuous business that delivers enough income which really started while they were still students.
In this case, it really depends upon the upbringing of siblings or family. And we' re very happy to see them working for their good future and trying hard in preparation for their future family. and we are even much happy receiving their unexpected gifts and shares from their blessings.
As they said.. they can't graduate, go abroad and work without us and they are even blessed and proud to have a good and supportive parents like us.
We all thank God for it.
Locked | Report Report
posted March 23, 2010 05:19PM
AntiPinoycom
AntiPinoycom
stars
Sulitizen
73 posts
  • Registered: Mar 15, 2010
  • Last Access From: United States
cging2 posted on March 23, 2010 12:42PM
Ang problema kasi sa atin ang akala nila ang lahat nga mga taga-ibang bansa mayaman na. Ang akala nila ay pagnaka-abroad ay parang tumama na sa Lotto. Ang problema kasi madami sa mga nangarap maging OFW ang goal lang nila para mag-abroad ay para makatulong sa pamilya. Ang ibig sabihin ng tulong sa pamilya ay sustentuhan lang ang pamilya. Pero walang plano kung ano ba ang puwede nilang gawin sa opportunidad na nakuha nila. Kung may pamilya sila ang lagi nilang sinasabi ay para sa pamilya nila ito, pero walang plano kung paano buuin ulit ang pamilya nila.

Kung mga kuwento lang ng mga kawawang OFW ang dami diyan, off the top of my head I can think of at least 5 at this very moment. Pero I will talk about 2 na may happy endings.

1. Male Nurse
Si Husband ang Nurse. Nag-nurse siya sa middle-east for 5 years. Habang nasa middle east siya si wife na accountant ay nagtratrabaho din sa Pilipinas. Si wife ay laging naghahanap ng mga investment opportunities para sa mga kita nilang dalawa. Mapa-real estate o anumang business ventures pinapasok ni Misis. Sa kanilang dalawa si Misis kasi ang business minded eh kaya lumago ang kabuhayan nila. Ang usapan talaga nilang mag-asawa 5 years lang si Mister as OFW para lang talaga magkapuhunan sila sa mga business nila. 10 years after nakauwi si Mister ay nurse pa din siya kasi vocation niya na yun, pero sa Pilipinas na. Si Misis naman ay sige pa din sa pagpalago ng mga existing businesses nila. Hindi na siya nag-babuy and sell ng mga real estate kasi hinohold nila na lang para maghintay na tumaas ang prices ng mga properties nila. In-short hindi sila desperate magbenta ng lupa milyonaryo na sila eh.
2. Canadian Domestic Helper
Nag-punta si Miss CDH sa Canada para matulungan ma-iangat ang buhay ng pamilya niya, 5 kapatid at mga magulang. Plano niya bago pa lang makadating ng Canada na dalhin ang buong pamilya niya sa Canada. Kaya pinagsabihan niya ang mga kapatid niya na huwag maluho. Suporta lang talaga ang tulong niya sa mga magulang niya. Ibig sabihin mga magulang niya pa din ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. Kung mangailangan lang talaga saka sila humihingi ng tulong kay Miss CDH. Alam kasi ng buong pamilya ang goal talaga niya ay madala silang lahat sa Canada. Kadamihan din ng mga kapatid niya ay mga working student kaya hindi din naman pabigat sa mga magulang nila.
Nung makadating na ang mag-anak sa Canada ay ibinalik nila ang mga nagastos ni Miss CDH sa kanila para makapunta ng Canada. Si Miss CDH naman ay gimamit ang pera na iyon para mag-aral at makakuha ng accreditation para magbukas ng isang Daycare. Nakabili din sila ng isang
duplex sa pag-aambagambagan. Nasundan pa iyon ng 2 pa. Ang buong pamilya ngayon ay may comfortable lifestyle. Hindi man sila milyonaryo sa Canada ay masasabing komportable ang buhay nila. Siyempre ang magkakapatid any may kanya kanyang pamilya na pero malapit pa din sila sa isa't isa. Ang mga magulang nila ay komportable na din ang retirement, 6months sa Pilipinas 6 months sa Canada.

Sa 2 success story na alam ko. Pareho pong may goal talaga ang mga OFW. At ang mga kapamilya nilang naiwan sa Pilipinas ang sumusuporta ng husto para makamit ito. So kung iisipin po ang talagang may kailangan ng suporta ay ang mga OFW at hindi ang mga naiwan sa Pilipinas. At bago pa lang sila umalis ng Pilipinas ay sigurado na sila sa suportang iyon.

Hi! Puwede i-share mo ang message mo sa isa pang article on how OFWs can spend their money sa Antipinoy.com? Ito ang link. Para mas marami makabasa ng mga magagandang kuwento mo at ma inspire http://antipinoy.com/ofws-can-use-their-remittances-more-profitably/
Locked | Report Report
posted March 24, 2010 12:35PM
cging2
cging2
stars
Elite Sulitizen
415 posts
  • Registered: Dec 10, 2008
AntiPinoycom posted on March 23, 2010 04:19PM

Pero, loyal po ako sa Sulit eh. Hehhheheh.
Sige po babasahin ko lang po muna yung article dun and if I find the time to register to another site again.
Locked | Report Report
posted March 25, 2010 01:16AM
AntiPinoycom
AntiPinoycom
stars
Sulitizen
73 posts
  • Registered: Mar 15, 2010
  • Last Access From: United States
cging2 posted on March 24, 2010 11:35AM

Hindi po kailangan mag register. You can comment there anytime. And it does not mean po na di tayo loyal sa Sulit if we post in other sites. May mga iba kasing mambabasa ang site na yun and your message can go out to more people if you post in more sites. Salamat po.
Locked | Report Report
posted March 25, 2010 01:21AM
pambelardo
pambelardo
stars
Majestic Sulitizen
7153 posts
  • Registered: Feb 10, 2010
  • Last Access From: Philippines
eh di ano pa. mga batugan!
Locked | Report Report
posted April 7, 2010 03:59PM
leomargomez
leomargomez
stars
Legendary Sulitizen
5813 posts
  • Registered: Jul 7, 2009
  • Last Access From: Philippines
dapat mag hanap sila ng magagawa..

Message appended on April 7, 2010 03:04PM
dapat mag hanap sila ng magagawa..

View message logs
Locked | Report Report
Back to top ▲
Need help?