Join our Yesss, Yaman! Movement Hide
Forum Search

Mga pamahiin ng Pinoy sa New Year

This topic is locked.
posted September 14, 2010 05:06PM
pinoybitz
pinoybitz
stars
Ultimate Sulitizen
3158 posts
  • Registered: Apr 3, 2010

Bagong Taon, bagong buhay na inaasahang may bitbit na bagong pag-asa.

Kaya naman isang araw bago magpalit ang taon, abala ang maraming kapusong Filipino sa paggawa ng mga nakagawian ng ating mga nakatatanda na pinaniniwalaang magdudulot ng suwerte sa pagpasok ng bagong taon.

Narito ang ilang pamahain ng mga pamilyang Pinoy.

- Pagkumpleto ng 12 prutas (o iba't ibang uri ng prutas na bilog) na inihahanda sa mesa. Tulad ng melon, pakwan, mansanas, ubas, ponkan, chiko, pinya, kaymito o star apple, bayabas, buko, chesa, suha at dalandan.

- Mayroon ding nagsasabit ng 12 o 13 piraso ng ubas sa pinto at bintana.

- Nagsasaboy ng asin sa mga sulok ng bahay para itaboy ang mga malas.

- Paglalagay ng barya sa kanilang bulsa na kakalampagin pagsapit ng pagpapalit ng taon.

- Paghahagis ng barya sa mga sulok ng bahay, kasama na ang ilalim ng kama, hagdanan, at kusina. Sabi ng mga nakatatanda, mas masuwerte kung hindi gagalawin ang mga barya sa kanilang lugar.

- Pagsusuot ng kulay pulang damit. Sinasabing mas buwenas kung mayroong bilog-bilog sa kasuotan.

- Pinupuno ang mga lalagyan ng tubig, asin at bigas.

- Naglalagay ng mga pagkain na malagkit sa hapag-kainan tulad ng suman at biko dahil magagawa raw nito na pagtibayin ang pagsasamahan ng pamilya.

- Nagpapagupit ng buhok at nagpapalinis ng kanilang kuko.

- Pagtalon kapag nagpapalit na ang taon para tumangkad.

- Pagbukas ng mga pintuan, mga bintana at ilaw sa lahat ng kuwarto ng bahay para maging maliwanag ang buhay ng pamilya sa susunod na taon at pagpasok ng suwerte.

Bagaman iginagalang naman ng Simbahan ang mga nakagawiang pamahiin, payo pa rin nila na huwag kalimutan na magdasal sa ating Lumikha at samahan ito ng sipag at tiyaga para makamit ang tagumpay sa buhay.-GMANews.TV

Locked | Report Report
posted September 14, 2010 05:09PM
bruno
bruno
stars
Ultimate Sulitizen
3052 posts
  • Registered: Sep 15, 2007
  • Last Access From: Philippines
lahat yan laging pinapaalala sa akin ng nanay ko bawat bisperas ng bagong taon...
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 05:11PM
pinoybitz
pinoybitz
stars
Ultimate Sulitizen
3158 posts
  • Registered: Apr 3, 2010
bruno posted on September 14, 2010 05:09PM
lahat yan laging pinapaalala sa akin ng nanay ko bawat bisperas ng bagong taon...


 Sa chinese natin ito nakuha, pero yung iba sa mga kastila.

Locked | Report Report
posted September 14, 2010 06:58PM
anniehall
anniehall
stars
Ultimate Sulitizen
1802 posts
  • Registered: Jul 26, 2010
  • Last Access From: Philippines
yung pagsabit ng ubas sa pinto... :) lahat ng pinto namin may mga ubas. isang taon yun nakasabit dun, nakalagay siya sa loob ng plastic. tapos pinapalitan nalang pagkatapos ng isang taon hehe
hindi ko alam kung anong explanation... haha
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 07:00PM
jeffcheng
jeffcheng
stars
Veteran Sulitizen
374 posts
  • Registered: Jul 27, 2010
  • Last Access From: Philippines
tumalon ng 3 beses para tumangkad daw
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 07:01PM
juntech
juntech
stars
Majestic2 Sulitizen
14753 posts
  • Registered: Feb 27, 2007
lahat po yan marami ang gumagawa kaya lang may epekto nga ba na positibo sa mga tao ang mga tradisyon na iyan?
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 07:01PM
thefilipinodreamer
thefilipinodreamer
stars
Ultimate Sulitizen
1911 posts
  • Registered: Dec 3, 2009
  • Last Access From: United States
dapat ay maligo or maglinis ng katawan sa araw na ito kundi ay isang taon kang mabaho. hehe!
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 07:03PM
jeffcheng
jeffcheng
stars
Veteran Sulitizen
374 posts
  • Registered: Jul 27, 2010
  • Last Access From: Philippines
tumalon ng maraming beses para tumangkad ka at magingay
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 07:08PM
jrrob26
jrrob26
stars
Majestic Sulitizen
11374 posts
  • Registered: Jan 24, 2010
  • Last Access From: Philippines

syempre,maglagay ng mga bilog na prutas sa loob ng bahay

Locked | Report Report
posted September 14, 2010 07:35PM
necron33
necron33
stars
Ultimate Sulitizen
1737 posts
  • Registered: Feb 1, 2010
  • Last Access From: Philippines
pag patak ng 12

tumalon ka para tumangkad ahehe
Locked | Report Report
posted September 14, 2010 08:31PM
pinoybitz
pinoybitz
stars
Ultimate Sulitizen
3158 posts
  • Registered: Apr 3, 2010

mother ko lagi niyang nilalagyan ng pera ang mga bulsa namin magkakapatid para daw buong taong daw mayroon pera. Actually hindi ako naniniwala pero tradition na kasi kaya ok lang pero hindi ko na binabalik sa mother ko yung pera. lol

Locked | Report Report
posted September 15, 2010 10:02PM
jeffcheng
jeffcheng
stars
Veteran Sulitizen
374 posts
  • Registered: Jul 27, 2010
  • Last Access From: Philippines
talon lang ng talon kung gusto mong tumangkad go go go


Message appended on September 15, 2010 10:13PM
magingay tayo at tumalon ng tatlong beses para tumngkad

View message logs
Locked | Report Report
Back to top ▲
Need help?