Introducing: OLX Rewards Hide
Forum Search

Saan po maganda bumili ng 2nd hand na Kotse?

This topic is locked.
posted June 15, 2011 02:16AM
doktortupa
doktortupa
stars
Legendary Sulitizen
3338 posts
  • Registered: Jun 8, 2008
  • Last Access From: Philippines

sa tao po ba o dun sa mga nagbebenta talaga (auto shop ba tawag dun)??? 

please help

Locked | Report Report
posted June 15, 2011 04:58AM
chanserve
chanserve
stars
Elite Sulitizen
583 posts
  • Registered: Jun 9, 2008
depende yan, meron mga magagandang deals minsan pag tao, kung auto shop naman natural na medyo mataas na patong nila dahil ginastusan nila paayos cars na benta nila. Minsan pag naka tiyempo ka ng tao na nagmamadali mag benta ng kotse nila dahil paalis sila tapos ok condition ng car panalo na rin.
Locked | Report Report
posted June 15, 2011 09:12AM
carsuwant
carsuwant
stars
Sulitizen-to-be
16 posts
  • Registered: Apr 25, 2011
  • Last Access From: Philippines
sa tao ka bumili ng kotse, kasi kung hindi tao ang bibilhan mo mahirap na baka kung ano na yan?
Locked | Report Report
posted June 15, 2011 12:04PM
ShutterZoom
ShutterZoom
stars
Certified Sulitizen
171 posts
  • Registered: Aug 3, 2010
  • Last Access From: Philippines
Kami we bought our car sa tao..officemate ko kaya ok naman till now ok pa rin ung car namin, 6yrs na. Pag sa car depot kc minsan may diperensya ung oto. If ever buy ka, magsama ka ng mekaniko na titingin sa engine. Kung wala ka kasi alam sa makina, tiyak di mo makikita kung ano diperensya. Di kc lahat ng car dealer alam din un. Marami na kaming na encounter na ganun buti na lang may kasama kaming marunong tumingin.
Locked | Report Report
posted June 15, 2011 12:16PM
doktortupa
doktortupa
stars
Legendary Sulitizen
3338 posts
  • Registered: Jun 8, 2008
  • Last Access From: Philippines
salamat po sa mga reply, mga magkano naman po ba ang maganda 2nd hand na kotse now if sa tao bibilhin?? and ano the best? toyota, nissan o honda?
Locked | Report Report
posted June 15, 2011 12:56PM
mycarshop
mycarshop
stars
Sulitizen-to-be
9 posts
  • Registered: Jun 13, 2011
WHen buying cars specially 2nd Hand bear in mind the ff:

1. Malinis ba ang papel ng car?
2. Kung original ang pintura mas mabuti maski na may konting gasgas. In that way you can be sure na walang tinatagong bangga.
3. Check with LTO kung di eto 'Hot Car' or try texting LTO: LTO VEHICLE <plate #> then send sa 2600
4. Test drive the unit para malaman mo king maganda ang takbo ng makina, function ng brakes at manuverabilty.
5. Most important get it from trusted source and para wala kang sakit ng ulo.

Pls check my member page to see baka may magustuhan kang unit. Manny V.
Our prices are reasonable kasi we follow the fair market value. PM me for our location and details
Locked | Report Report
posted June 15, 2011 09:18PM
joereyno
joereyno
stars
Ultimate Sulitizen
2535 posts
  • Registered: Aug 22, 2010
  • Last Access From: United States

Straight sa mayari ng sasakyan. Mas mabuti kung kilala nyo po.

Locked | Report Report
posted June 15, 2011 09:32PM
abotkayangpabahay
abotkayangpabahay
stars
Sulitizen
91 posts
  • Registered: May 14, 2011
sa bank din po magandang bumili, may mga nag lo loan sa bank at di nakakahulog ay hinahatak na ng bank, kaya sigurado po na maayos papo yun. medyo may kataasan nga lang dahil halos bago pa.
Locked | Report Report
posted June 16, 2011 07:47AM
ghie83
ghie83
stars
Legendary Sulitizen
4640 posts
  • Registered: Sep 2, 2010
  • Last Access From: Philippines

maganda din mamili ng used car sa mga dealer ng auto, kasi meron sila mga tradein unit.....nakukuha kasi ng dealer ng mababa presyo..

Locked | Report Report
posted June 16, 2011 11:13AM
jape
jape
stars
Elite Sulitizen
739 posts
  • Registered: Feb 27, 2009
Maraming sources of 2nd hand cars.

Meron sa car dealers. Some are certified like BMW to ensure the quality of the used car. Soon to certify used cars are Toyota dealerships. Maganda bumili dito kasi nakilatis na nila maigi ang mga sasakyan as these are traded by their customers in order to buy new cars. Medyo may kamahalan nga lang and maybe because of the extended warranty.

Meron din sa mga shop selling used cars. Again nakilatis na nila maigi ang mga sasakyan dito pero double check pa rin kasi most na sira ay ipinagagawa nila para sa 'panandaliang' pagkaasyos. Most of these shops replace broken parts with non-OEM parts which are usually mas madaling masira kaysa original. So kahit itest-drive mo ay wala kang mapapansing sira not until you have bought it have have used for some time saka mo mapapansin na unti-unting nasisira na mga piyesa. Another thing on used car shops ay mga sasakyan na may bangga, pag pinaayos nila kasi ito ay yung ayos na 'pambenta' lang. Again, para makamura sila sa repair ay medyo less-standard ang repair. You will encounter this with some body/paint shop, pagnagparepair ka itatanong nila kung 'pangbenta' ba ang sasakyan, mas mura ito.

Meron din sa banko. Andaming mura dun. Pero ingat po. Karamihan sa mga sasakyang ito ay mga nahatak sa mga customers na di na nakakapagbayad sa hulog nila. May nagkwento nga sa akin na nilagyan daw nya ng grinding compound yung makina bago nya pinayagang hilahin ng banko. Kawawa naman ang mapagbebentahan nun. Kahit anong kilatis mo di mo makikita yun. Ang mga may-ari kasi ng mga nahahatak na sasakyan ay sobra galit sa banko kaya kung anu-ano ang ginagawa nila sa sasakyan para makabawi, pinoy nga naman hayz!

At meron ding mga individual persons selling their cars. Usually makakamura ka sa mga taong paalis na ng bansa kaya binebenta. Meron din namang mga nagbabawas ng sasakyan. Merong mga nagbebenta ng luma para magupgrade o bumili ng bago. Ingat din sa ganito baka naman patago lang siya pero buy and sell pala. Pag buy and sell kasi pwede gawin din nya yung mga gawain ng used car dealers e.

Da best kung makakabili ka ng sasakyan sa taong kakilala mo. Wag lang sa kagalit mo ha :)

1 member thinks this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted June 16, 2011 11:28PM
wolfkiller
wolfkiller
stars
Sulitizen
85 posts
  • Registered: Jun 28, 2007
  • Last Access From: Philippines
depende yun dapat alam kung ano yung binibili mo kahit kanino pa ito galing
Locked | Report Report
posted June 17, 2011 12:25AM
beevai
beevai
stars
Majestic Sulitizen
7194 posts
  • Registered: Sep 28, 2008
  • Last Access From: Philippines

i suggest sa direct owner ka ng car bumili. 

Mas Mura at malalaman mo ang real state ng sasakyan na bibilihin mo.

magtiyaga ka nga lang mag ikot ikot sa paghahanap ng maganda at maayos pang condition ng sasakyan.

Locked | Report Report
posted June 17, 2011 01:34AM
assejessa007
assejessa007
stars
Legendary Sulitizen
5961 posts
  • Registered: Dec 9, 2007
oo dapat direkta sa tao :))
Locked | Report Report
posted June 22, 2011 03:00PM
affordableofficesupplies
affordableofficesupplies
stars
Sulitizen
70 posts
  • Registered: Sep 11, 2008
  • Last Access From: Philippines
Kami sa mga kakilala lang. Para alam namin yung history nung kotse.
Locked | Report Report
Back to top ▲
Need help?