Introducing: OLX Rewards Hide
Forum Search

bakit ganito ang asawa ko.ano ba ang dapat kong gawin

This topic is locked.
posted July 18, 2011 03:32PM
prettyinpink41
prettyinpink41
stars
Sulitizen-to-be
1 post
  • Registered: Jul 18, 2011
  • Last Access From: Philippines

hi mga kasulit,

bigay naman kayo ng comment kung ano ang dapat kong gawin. married ako with 1 baby. yun husband ko, 1st bf ko. bf ko sya since 2004 then nagpakasal kmi after 6 years. bakit ganon, parang wala na syang pagmamahal. hindi ko na maramdaman yun tulad dati. naiinggit ako sa mga kaibigan ko na kaya nilang masabi na sobrang swerte at blessed nila sa kanilang asawa.

indi ko alam kung pano ko uumpisahan para magkaidea kayo sa sitwasyon pero eto.. ako po ang tipo ng tao na achiever sa mga ginagawa ko.siguro opposite lang talaga kami. may maganda akong trabaho at masasabi kong malaking sweldo at nasa ok na position sa work. yung asawa ko hindi nakapagtapos at ang work nya hindi rin permanente. ang masakit nito, pag nagkatrabaho sya hindi naman sya nag iintrega sakin. minsan abono pa ako.kase nangongontrata sila ng mga condo. hindi ko sya tinatanong sa pera nya, kase mag aaway lang kami. buhat ng nabuntis, nanganak at lumaki baby namin, ako ang sumustento sa sarili ko.lahat lahat pero ni minsan ay hindi ko sya sinumbatan pagdating sa pera. ang masakit nito, hindi man lang nya maisip na bumili ng gatas o diaper ng anak nya pag magkapera sya. gabi ako nagtatrabaho, minsan hinahatid nya ako. hindi ko alam pero netong nakaraan, umamin yung byenan ko sakin na nung nakaraang araw hindi daw umuwi ang mister ko pagkahatid sakin nung gabi. ang sabi, napasugal daw dun sa cubao sa gateway?? ilang beses na rin daw nagyayari ang ganon..

ngayong mga nakakaraang linggo naman, parang wala na rin akong maramdaman sa kanya. hindi sya sweet man lang. alam nyo,napakababaw ko siguro pero yung mga moments together at simpleng kwentuhan hindi na namin nagagawa, at sya hindi rin sya naglalambing sa akin.. hindi ko alam kung bakit.naiinggit ako sa ibang mga may mister na may initiative para alagaan ang kanilang mga misis.

hindi ko siguro maikwento ng maayos dito.masyadong napapahaba, pero kung may tanong kaya para makatulong sa pag aanalyse ng sitwasyon,sige lang. ang gusto ko lang naman maging masaya ako sa relasyon namin, at maging responsable sya.kaso, hindi. kapag sya ang kinausap ko,sya ang magagalit dahil alam kong nakikita nya ang mga pagkakamali nya... nahihirapan ako.at naaawa sa sarili ko dahil hindi ito ang buhay na ginusto ko...nakakalungkot...

Locked | Report Report
posted July 18, 2011 03:46PM
shylock
shylock
stars
Veteran Sulitizen
334 posts
  • Registered: May 26, 2007
  • Last Access From: Philippines
uso pa ba ang martir ngayon? Pagtiisan mo na lang, just give him the love he deserves, in the end mare-realize din nya yan, kung paano ka nagtiis at nagmahal sa kanya.
Locked | Report Report
posted July 18, 2011 11:21PM
TheGoodSamaritan
TheGoodSamaritan
stars
Certified Sulitizen
170 posts
  • Registered: Mar 7, 2011
  • Last Access From: Philippines
pareho lang kayong nakakaTawa. isa lang solusyon dyan te, mahalin mo ang asawa mo.
Locked | Report Report
posted July 18, 2011 11:48PM
laugh
laugh
stars
Supreme Sulitizen
1339 posts
  • Registered: Aug 29, 2010
  • Last Access From: Philippines

ang tagal ko nang di nagpopost ah,pero di ko mapigilang hindi  magreply sa tanong mo.ang alam ko ang asawa ay katuwang sa buhay.magmamahal sayo at ganun ka din sa kanya.pareho nyong pagsusumikapang magkaron ng maayos na buhay.ang lalaki magtratarbaho para sa pamilya at ang babae ang mag aalaga sa anak at  bahala sa bahay.sa panahon ngayon uso na ang parehong nagtratrabaho kasi nga mahirap buhay.gusto nila mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak at may iba na kailangan talaga kasi kapos.

pero kakaiba ang sayo.ikaw ang kumakayod pero ang asawa mo wala lang.hindi nag aabot ng pera o share sa gastos.sabi mo pa nanlalamig na siya.eh may anak na kayo,di ba dapat alam na nyaang responsibilidad nya?nakakalungkot pa eh nahihilig kamo sa sugal.pano ba yan?isa pa lang ang anak nyo ganyan na.nasubukan mo na ba siyang kausapin tungkol sa obligasyon nya bilang asawa at ama?ang nakakatakot eh pag lumaki anak mo at makita nya ang ginagaw ng tatay nya.wag naman sana pero may kakilaa ako na yung nanay nya lang ang kumakayod at yung tatay ay walang natutulong kaya galit siya sa tatay nya kasi wala raw silbi.ni magluto o mag linis at mag alaga di rin ginagawa.kaya ayon yung nanay nya super pagod at pag uwi magluluto pa.pero nasanay na yung tatay nya kaya ganun.kausapin mo asawa mo.kung ayaw nya makinig maganda may third party na mamamagitan.yung pareho nyong nirerespeto.kailangang mapaliwanagan ang asawa mo sa kanyang responsibilidad.

Locked | Report Report
posted July 19, 2011 12:11AM
Cordille
Cordille
stars
Majestic2 Sulitizen
15885 posts
  • Registered: Sep 9, 2009
  • Last Access From: Saudi Arabia
sa tingin ko hindi importante sa asawa ang pamilya niya. Lapit ka kaya sa experts? isama mo asawa mo.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 12:53AM
Behappy
Behappy
stars
Certified Sulitizen
159 posts
  • Registered: Aug 21, 2008
  • Last Access From: Anonymous Proxy
parehas lang tayo baliktad nga lang kasi ako lalaki yung wife ko ganyan sa ugali ng mister mo
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 12:57AM
repairman1018
repairman1018
stars
Legendary Sulitizen
4635 posts
  • Registered: Sep 29, 2010
  • Last Access From: Philippines
#2 Poster (Last Hour)
kausapin po ng masinsinan at sabihin sa kanya ang lahat ng gusto mong sabihin para magkaliwanagan kayo
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 01:47AM
photorama
photorama
stars
Sulitizen-to-be
39 posts
  • Registered: Mar 3, 2011
  • Last Access From: Philippines
law of supply and demand determines your price.
kung gusto mong tumaas ulit ang "price" mo sa kanya, dapat pakita mo o ipaalala mo na pwede ka paring mawala sa kanya.
1. magpa ganda ka. hindi para sa kanya. kundi para sayo. pinaka simple nyan dapat fit ka. importante yan eh.
2. dapat di ka din pumapayag ng wala syang intrega sa inyo sa bahay. di pwede yun. habang maaga-aga pa eh gawan mo na ng paraan na kahit man lang yung pinaka mababa na bill nyo sa bahay eh sagutin nya buwanbuwan.
yun lang po advice ko.

1 member thinks this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 05:47AM
great2find
great2find
stars
Majestic2 Sulitizen
21760 posts
  • Registered: Oct 9, 2007
  • Last Access From: Philippines
#18 Poster (All Time)
mahirap ianalyze yung mister mo unless siya magsabi kung ano problema. hindi kaya insecure siya dahil ikaw ang nagiging breadwinner.... may third party ba..... siguro tama si photorama, magpaganda ka muna..... di ba sabi mo hindi ka niya nilalambing (dati na ba ito?) eh kung humanap ka ng tiyempo ikaw ang mag-initiate, lambingin mo siya in order to speak up using a massage, caressing voice and all.... baka kailangan niya lang ng reassurance.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 06:24AM
urbanliving
urbanliving
stars
Legendary Sulitizen
5013 posts
  • Registered: Nov 26, 2010
  • Last Access From: Philippines

mag-usap po kayo ng maigi para po walang sisihan ang pagdating ng araw...

Locked | Report Report
posted July 19, 2011 07:22AM
inodz05
inodz05
stars
Legendary Sulitizen
3828 posts
  • Registered: Jan 11, 2008
  • Last Access From: Philippines

layasan mo na..loko na iyon..

in the first place di mo sya kawalan..la rin sya silbi eh.. emoticon

Locked | Report Report
posted July 19, 2011 08:02AM
TheGoodSamaritan
TheGoodSamaritan
stars
Certified Sulitizen
170 posts
  • Registered: Mar 7, 2011
  • Last Access From: Philippines

TOPIC STARTER CHOSE THIS AS THE BEST ANSWER:

yan ang buhay na pinili mo iha. kung ayaw mo na, umalis ka na. ang dami mo pang reklamo. wag mo ikumpara ang asawa mo sa asawa ng iba, maglalaway ka lang. tutal, may kasalanan ka naman din. ipinaparamdam mo sa asawa mo na kaya mo mabuhay na mag isa, na wala siyang silbi -- na ikaw palagi ang magaling. maging open kayo sa isat isa. mag usap, magdamayan sa lahat ng bagay. hindi puro ikaw ang sumasalo dahil sabi mo ikaw ang mas malaki sumahod at ikaw ang nakapagtapos. kaya yan nagsusugal dahil nagbabakasakali makakuha ng mabilisang pera. frustrated ang asawa mo sa sarili nya kaya yan nagkakaganyan. pakiramdam nya mag isa na lang sya.

kaming mga lalaki ay may pride. wag na wag mo ipaparamdam na tinatapakan mo kami o ikaw ang palaging ang angat sa amin. nakakapanliit yun at nakakawala ng respeto sa sarili. imotivate mo, ikaw ang sumuporta sa kanya, at ikaw ang magmahal ng totoo at tapat. ipadama mo na kailangan mo pa din siya para syay ganahan sayo. iparamdam mo sa kanya kung bakit ikaw ang pinili niyang makasama. nagbago ka sa mga panahon na kasal na kayo. masyado kang pa-bida. masyado kang mareklamo, at masyado mong kinumpara ang pagsasama niyo sa iba. kung ganyan ka na lang rin lang, maghanap ka ng asawa na katulad ng nakikita mo sa iba. te wag kang mainggit sa iba, dahil sila ang nagpapatakbo ng samahan nila. ikaw nakadungaw ka lang, walang ginagawa para patakbuhin ang relasyon ninyong mag asawa. wag mo na hintayin ang asawa mo magkusa sayo dahil nawawalan na yan ng gana sa relasyon nyo at frustrated yan (bumaba na self esteem nyan kasalanan mo), ikaw na muna ang gumawa ng first move. diba te? tama ba ako?

hindi ikaw ang api at nakaawa dito kundi ang asawa mo na patuloy mong inilalayo sa buhay mo.

Sincerely, THE GOOD SAMARITAN (TGS)


1 member thinks this post is SULIT!

View message logs
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 08:24AM
biz4moms
biz4moms
stars
Veteran Sulitizen
347 posts
  • Registered: Jun 8, 2011
  • Last Access From: Philippines
hello ahm try nyo kyang mag-asawa mgsimba sa feast ung k Bo sanchez maganda dun..try nyo lng..taga san k b?kng qc k lng myron every sunday 9to11;30 mass and worship sa department of soil.visayas ave.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 08:59AM
misstisay
misstisay
stars
Majestic Sulitizen
6615 posts
  • Registered: May 2, 2010
naintindihan ko situation mo. minsan, sobrang awa mo sa sarili mo kaya mo nararamdaman yan. you have to fight back, baka mamaya, you'll sink into depression.

the best way to do is talk to your husband. wala naman masama dun, but most husbands do not like to talk because it seems that they are being nagged. don't let him feel that way. it's important to work things out for your marriage to function well and the welfare of your child as well.

as i see it, aminin man niya or hindi, meron siyang tinatagong insecurities. masyado siya sigurong napapaniwala na dapat ang lalaki ang gumawa ng paraan na sustentuhan ang pamilya, in other words, parang naaapakan ang pride niya. kaya he's resorting to something else, like gambling. he's hit hard by the sad realities that now come in front of him. dapat ina-appreciate mo pa rin siya even in simple things. tell him sincerely na kahit ganun ang situation niyo, mahal mo pa rin siya. sometimes, guys need affirmation from their partners.

it's never too late to talk to him. but please, don't be a nagger. a guy doesn't like that.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 10:57AM
ninanolin
ninanolin
stars
Certified Sulitizen
141 posts
  • Registered: Jul 12, 2011
  • Last Access From: Philippines
Lapit ka sa Diyos ate. Ang dami niyang solusyon sa problema mo. Nothing is impossible for God. Just do your responsibility as a wife, sabayan mo ng prayers in faith and all will go well.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 10:58AM
Marxkill
Marxkill
stars
Elite Sulitizen
747 posts
  • Registered: Jan 15, 2009
  • Last Access From: United States
nagtanong ka pero mukhang hindi mo naman sinusubaybayan ang mga sagot. mag comment ka naman.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 11:06AM
edzgatchi
edzgatchi
stars
Elite Sulitizen
457 posts
  • Registered: Apr 21, 2010
baka kasi sobrang independent ka, every person needs to feel na needed sila, baka feeling nya wala syang silbi sa buhay mo. baka naman somehow naiinsulto mo sya sa mga pananalita mo, take note na importante sa lalaki ang ego. the big question is: mahal mo pa ba? sagutin mo ito with all honesty at wag mong ikatwiran ang baby... if yes, then do something, the best way to a man's heart is thru his ego, purihin mo ang kaliitlitang bagay na maganda na makita mo sa kanya... at suportahan mo sya sa bawat pagsisikap nya... sabihin mo na pag nakasweldo sya itreat ka nya sa sine, o pag araw ng sweldo tawagan mo sya na mag-uwi ng pizza. tapos matuwa ka kung anuman ang madala nya... kung hanggang dun lang kaya nya wag mo mamaliitin... nagpakasal sa isang electric fan, wag ka umasa na kaya mo syang baguhin at gawing aircon.. kuha mo?

1 member thinks this post is SULIT!
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 11:14AM
pambelardo
pambelardo
stars
Majestic Sulitizen
7153 posts
  • Registered: Feb 10, 2010
Just confront and settle your differences with your hubby..Ipaintindi mo sa kanya and treat him na hindi ikaw ang superior...Dont take all the credits..baka kasi mataas lang ang expectation mo sa asawa mo..Lay down what you want and expect from him.
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 12:02PM
irma1983
irma1983
stars
Majestic2 Sulitizen
16433 posts
  • Registered: Oct 16, 2007
  • Last Access From: Philippines

hi good day to you..

pwede rin naman ikaw ang gumawa ng moves, lambingin mo sya, kausapin, magdate kayo, ibalik niyo yung dating  sweetnes niyo bago kayo magkababy, hmmm martir,,, hmmm me limitations naman, kung sa palagay mong wala na syang pagmamahal sa yo at sa anak niyo abay layuan mo na.. pero kung meron pa naman ikaw nararamdaman na pinapahalagahan ka nya at ng baby mo, gumawa ka ng paraan para maging masigla ang relationship niyo, at kung ayaw mong mawala siya sa iyo.ikaw lang ang nakakaalam kong anong tamang gawin mo kasi ikaw ang nakakaalam kong anong nararamdaman mo sa kanya.. ang sa amin lang ay pagpapayo, sana ay magkaroon ka ng peace of mind,, dont forget to pray sa god ..

Locked | Report Report
posted July 19, 2011 04:59PM
dazzling27
dazzling27
stars
Elite Sulitizen
441 posts
  • Registered: Apr 18, 2011
  • Last Access From: Philippines
same yan ng asawa ng sister ko yong sa kapatid ko naman puro gadgets ang binibili ng asawa niya kahit di na makakain maka bili lang ng gadget nung last nga eh naputulan pa ng kuryente ay grabe yong kapatid ko pa ang nagbayad para lang makabit ulit kasi may work din yong kapatid ko at siya ang gumagastos sa pagkain nila..
Locked | Report Report
posted July 19, 2011 11:35PM
melencio13
melencio13
stars
Elite Sulitizen
602 posts
  • Registered: Feb 10, 2011
  • Last Access From: Philippines

ganito lang yan ka simple!! iwanan mo!! kapag gumawa nang paraan para bumalik ka, ibig sabihin nun successful... pero kapag nakipag matigasan pa... tuluyan mo na... ulit ulitin mo lang hanggang sa matuto siya.. may mga lalaki kasi minsan na sadyang hindi lang alam ang mga pangangailangan nang mga kababaihan... wag ka mag expect na alam niya yun, dahil magkaiba ang satisfaction nang babae at lalaki sa buhay, hanggat di nila alam kung saan sila magkakasundo...

Locked | Report Report
Back to top ▲
Need help?