Ang Sulit, OLX.ph Na! Hide
Forum Search

tula para sa kalikasan!!

This topic is locked.
posted September 12, 2009 02:05AM
MIGHAIL
MIGHAIL
stars
Certified Sulitizen
132 posts
  • Registered: Jun 9, 2009
  • Last Access From: Philippines
lahat ng may tula sa kalikasan pasok!!

ako ay isinilang sa dating probinsya
at ngayo'y isa nang ma-unlad at sagana
oo nga't itoy sa salapi'y namumukadkad
mga tao kung tawagin sya'y lungsod
ako'y nabubuhay ngayong sapat at maayos
subalit aking hinahanap ang tunay na agos

ako'y bata noon sa tuwing
tag ulan nangingisda at nag lilibang
bawat hagis ng aking pamingwit
saksi ang tubig sa aking pag awit
tunay na kaaya aya lupa kong sinilangan
bakit kaakibat ng pag unlad ay kalapastanganan

ngayon ako'y malaki na at may pamilya
ang kwento ko sa mga bata ay tila hindi kapanipaniwala
sino nga naman ang maniniwala 
sa taong sa ilog pasig ay nangingisda
sino nga naman ang maniniwala
sa taong nag sasabi sa pasig ay may isda.

nawa'y magbalik ang dating sagana
upang dumating ang dating ka halihalina
sana'y matuto na ang lahat 
sa tunay na tama at sapat
sana'y sa muling hagis nag aking pamingwit
sa kwento ko'y aking anak ang aawit 
Locked | Report Report
Back to top ▲
Need help?