Forum Search

Sistema ng Edukasyon Noon at Ngayon sa Pilipinas, malaki ba ang inunlad o lalong sumama?

This topic is locked.
posted June 19, 2012 11:53AM
cyberknight1062
cyberknight1062
stars
Elite Sulitizen
416 posts
  • Registered: Feb 18, 2011

Maaaring sabihin nyo lumang usapin na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, pero simula noong unang pumasok kayo sa eskuwelahan hanggang sa ngayon may napansin ba kayong pagbabago? umunlad ba o lalong lumala ang problema kung meron man? kung may problema sa sistema bakit kaya hindi mabigyan ng tamang solusyon? Hindi kaya, hindi rin makita talaga kung nasaan ang ugat ng problema? para sa akin, hangga't hindi nakikita ang ugat, kaylanman, hindi mabibigyan ng tamang kasagutan ang mga usaping pang-edukasyon ng bansa. katulad na lang halimbawa ng mga katanungang ito.....sino ba ang may problema, ang ahensya ba ng gobyerno pang edukasyon ba? ang eskuwelahan ba? ang mga titser ba? ang mga magulang ba? o ang mga estudyante mismo? malaki ba ang pag-kakaiba ng mga gradweyt noon kesa ngayon? bakit kaya? halimbawa sa mga eskuwelahan, sila ba'y nadyan talaga para makapagbigay ng wastong kaalaman sa estudyante o isang negosyo lang? sa mga titser, sapat ba ang kanilang natutunan noong sila'y nag-aaral o hindi rin kaya kulang din ang kanilang kaalaman sa pagtuturo. sa mga magulang, ginabayan ba nila ng husto sa pag-aaral ang kanilang mga anak o masyado silang busy sa ibang pinagkaka-abalahan. sa mga estudyante, seryoso ba kayong mag-aral o mas mahaba pa ang oras nyo sa barkada at iba pang walang kabuluhang bagay? napakaraming katanungan na siguro kung unti-unti nating hihimayin at lilimiin, baka sakaling makabuo tayo ng kasagutan, na pagdating ng panahon ay may makapansin na kinauukulan at baka sakaling may maitulong din sa makabuluhang pagbabago nga sistema ng edukasyon sa bansa sa darating na henerasyon. kaya halina mga kasulit, pag-usapan natin, mag-bigay ng inyong mga kuro-kuro, opinyon at solusyon. mabuhay tayong lahat.

Locked | Report Report
posted June 20, 2012 04:06AM
Enzoo
Enzoo
stars
Majestic2 Sulitizen
13829 posts
  • Registered: Apr 17, 2012
  • Last Access From: United Arab Emirates

me mga bagong silid paaralan pero ang sistema ng ating edukasyon ngayon ay parang naging stagnant, naiwanan na tayo ng ating mga kapitbahaya na mga nations. problema sa pamamalakad ng ating dep ed, ngayon nga, me petisyon ang vice mayor ng cebu na dapat magresign ang kalihim ng edukasyon dahil walang sahod ng anim na buwan ang ibang guro . mantakin mo yan? paano pa makapagturo sa propesyon ng marangal kong pati sahod delay ng ilang buwan?dapat talagang me total revamp sa pamunuan ng dep ed para mapalago ang kaalaman ng mga estudyante .

Locked | Report Report
Back to top ▲
Need help?